lumang compo. circa 2004. rerecorded. was fooling around with the condenser settings so mejo mahina vocals.
Awit Ko
(music and words by c. sales)
May bagong umagang naghihintay
pagliwanag nang ulap ay sumasabay
sa pagdilat nang yong mata
at pagsikat nang yong ganda
muling makapiling ka'y anong saya
(chorus)
sana'y dinggin mo ang pag awit ko
himig na dulot nang pagdayo mo
ipaparinig ko lang sa buong mundo
ang ligaya't tamis na dala nang pag ibig mo
(adlib)
Pintig nang yong puso'y umaalsa
sa bawat tibok muling nadarama
ang damdaming nilisan ko
dagliang binuhay mo
sabay sa ihip nang hangin ay pakinggan mo
(repeat chorus)
if the object doesn't play here's an altenative url:
http://www.soundclick.com/util/getplayer.m3u?id=6551313&q=hi